some FAQ’s in putting up a laundry shop PM’d to me:
- pag nag palaba ba yung customer nyo kasama na dun yung tupi at plantsa? pano nyong pina plantsa yun at anong gamit nyong plantsa?
ang basic laundry service ay wash, dry, fold at 25-30/kilo
kasama dito ang pagtuyo, pagtupi at paglalagay sa plastic ng mga damit ng customer.
meron ding wash,dry, press at 55-70/kilo. kasama dito ang paglaba,pagtuyo at pag plantsa ng damit. yung ibang laundry nagbibigay ng libreng hanger, ang iba naman ay hindi.
gamit kong plantsa ay gaya rin ng ginagamit sa bahay, steam iron.
- pag sinabing dry clean….pano nyo ginagawa yung sa washing machine and dryer? katakot pala pag binigay yung barong tagalog for dry clean ang nipis nun!
iba-iba ang processing na ginagamit sa pag dry clean ng damit. ang sa akin ay isang trade secret na kung inyong pahihintulutan ay akin na lamang.
- tapos pag tumatangap kayo ng labada binibilang nyo ba isa isa bago paalisin yung customer or may nakasulat na dun sa labahan kase nga wala ng time yung customer makipag bilangan sa inyo.
kahit anong mangyari, binibilang namin ang mga damit na pina laundry sa amin, umalis man ang customer, bilang pa rin namin ang damit. sa ganung paraan, hindi maghahanap ang customer ng nawawalang damit.
- binasa ko yung thread nyo, walang nag tanong kung ano yung common mistake sa pag uumisa ng laundry shop, pwede bang bahagian mo naman ako ng experience mo.
common mistakes sa kaso ko:
- nagtiwala ako ng husto sa staff ko sa mga nililista nila incoming cash, and job orders.
- walang tracking system nung umpisa kaya may nawawala, at may hindi naililista
yun lang matandaan kong common mistake eh Grin



No Comment
Random Post
Leave Your Comments Below