tips naman, kasi baka magopen din kami ng ganitong business, around how much detergent ba ang kelangan for 1 kilo of tshirts and apron? un kasi ang magiging client namin e, factory ng food.
everyday sila magpapalaundry, arnd 100 kilos per day, puro apron and shirts lang. we’ll charge around P20-P22 per kilo, tama na ba un? pero wala na kaming rent. wanna know sana how much detergent macoconsume ko per kilo ng clothes. thank you so much!
ok na yang price mo,
pero kung pwede mong i price per pc mas mainam, kasi nga
pati sa inventories, hindi kayo mahihirapan ng client mo..





Hi Ms. Etten (My mentor)
I would like to inquire about sa prices or how to charge each item…
It’s been 2 months since nag oprate na ang biz ko…. I had 2 staff left na din and as of now wala akong tao sa shop and good thing mom is taking over…heheh
I have few concerns lang *(as always ^wink^)
1. May mga customer’s na nag sasabi na I-hand wash ang mga damit nila.. How would I charge them for this request?
2. Meron nagpapalaba na isang Tao lang 37kg agad ang pinalalabhan (as in dinadala ng naka Isang balikbayan box – ahaha) Honestly Ms. Etten, Halos 2days ang processing ng damit nila as sakanila lang umiikot ang machines, so what I told the customer “ma’am baka pwede pong wag nyo ipunin ung damit, baka po pwedeng kung alam nyo na pong madami, dalhin nyo na lang agad sa shop” (2 houses lang away ung bahay ng customer from my shop) & tlgang xa lang ang umaasikaso gn mga damit ng buong family nya. So hindi ko alam kung tama ba ung sinabe ko hehehe..
3. May mga bags na nagpapalaba and I really dont know hw to charge it?
4. I know if its a handwash, iba ang charge but sometimes as a good gesture we consider it na lang… (kakainis lang kasi mahirap ang handwash naman tlga…) or Ms. Etten pwede bko mag paskil ng :
Services offered:
Handwash then the price ????
5. I have another inquiry for this:
—— WDP is 60/k & my charge for Press only is 40/piece. Eto nangyare… meron kasi nagpapa WDP na halos hindi umaabot ng 1kg as in 3/4 lang,, How much should I charge it? I know nalululugi na ko tlga sa sobrang bait ko at laging cutomer’s right pero I dont think na tama na ung ginagawa ko.
—— I am planning to increase my price na from 25/kg to 28kg… Tama bang mag paskil na ko ng “effective ____ this date we will charge ____”
—— Isa rin sa mga reklamo ko ang sobrang dudumi ng damit (as in sobrang dumi… binabad ko na at nag kukusot ako, yeah I really do this dahil nagugulat ako sa dumi at itim ng tubig ha…) pero still ung mga “white” ang dumi pa din. Sobrang napapagod ako sa nangyayare sa shop, sometimes mina – mano mano ko na ung mga damit nila w/c is sometimes uncalled for — ahahah sobra naman kasi.. Ms. Etten Please help…. Cguro hindi din tumatagal mga tao ko dahil sa ganitong system. As in. Even ako… Pagod din coz I wash stinky and dirty clothes tlga…. Minsan ung OXY & charlie’s na gamit ko halos isang scoop tlga for this… Imagine dalawang soaps ang nagagamit ko just for their clothes to be cleaned… I dint say naman na “super clean” pero ung maayos na laba naman…. Ugh! What’s wrong ba?