marami pa ring interested to put a laundry shop after all.
Ms Etten,
Yes i agree marami pa talaga who wants to put up a laundry shop. Pakiusap lang sa mga newbies na katulad ko sana wag masyado ibaba ang price ha kasi ang industry or tayo lang din ang kawawa. Tama ba ms etten?
-laundry gal-
oo nga, wag mag babagsak ng presyo, kasi hindi yung competition ang matatalo kundi yung industry mismo ang maaapektuhan. regulate nyo lang, depende sa area. sa service na lang kayo bumawi para dumami ang customer,
-monette-
Share ko lang…Yung Main Branch ko tinabihan ng competitor…Katabing-katabi 6ft lang ang pagitan.Itago natin siya sa initials na M.L.
Nagbaba sya ng presyo less Php 2.00 sa WDF compared sa akin…Lumipat yung ibang mga customers. Ang sabi ko lang, “Babalik ka rin!” Kaya ayun kahit tinabihan kami consistent pa rin kami sa 120 KG up per day…Nagsibalikan pa rin ang mga dating customers. Kaya tuloy nainggit yata at tinabihan kami. Ang dami namang lugar sa tabi pa namin puwesto. Di maabot ng MATH ko kung paano nya babawiin ang Php 12k na upa nya. Kahit yata gamitan ko ng Calculus sa baba ng price nya.
Tama si Laundrygal. Let us practice FAIR competition. Dapat nga magkaisa na itaas ang price hindi yung pababaan!
-kuskos balungos-




No Comment
Random Post
Leave Your Comments Below